option
Questions
ayuda
daypo
search.php
ERASED TEST, YOU MAY BE INTERESTED ON AP 4 Q4 M3
COMMENTS STATISTICS RECORDS
TAKE THE TEST
Title of test:
AP 4 Q4 M3

Description:
AP 4 Q4 Karapatang Tatamasahin, Kaakibat ay Tungkulin

Author:
AVATAR
MMM
Other tests from this author

Creation Date:
07/05/2024

Category: Others

Number of questions: 48
Share the Test:
New CommentNuevo Comentario
No comments about this test.
Content:
Paano mo maipapakita ang iyong pagpapahalaga bilang isang mamamayan ng ating bansa? Ipagtatanggol ko ang kalayaan ng ating mga karatig-bansa Ipagmamalaki at tatangkilikin ko ang kultura ng ating bansa. Yayakapin ko ang kultura ng ibang bansa at ikakahiya ang sarili kong kultura. Tatangkilikin ko ang produkto ng ibang bansa dahil mas maganda ang mga ito kaysa produktong Pilipino.
Itinuturing na mga buhay na bayani ang mga frontliners na katuwang ng pamahalaan sa paglaban sa COVID-19. Anong tungkulin ang ipinakikita ng mga frontliners? Tungkulin sa bansa Tungkulin sa sarili Tungkulin sa Diyos Tungkulin sa watawat ng Pilipinas.
Si Ana ay naglalakad nang marinig niya ang pagtugtog ng Lupang Hinirang sa kaharap na paaralan ng bahay nila. Ano ang nararapat niyang gawin? Manatiling naglalakad Huwag lamang itong pansinin Magtago sa isang sulok at hintayin na matapos ito Tumayo nang tuwid at tumingin sa watawat habang inaawit ang “Lupang Hinirang”.
Tungkulin ng bawat mamamayan na sumunod sa batas na ipinatutupad sa bansa. Bakit nagtatakda ang pamahalaan ng mga batas? upang magkaroon ng seguridad upang maging mapayapa ang lugar upang maging maunlad ang pamumuhay Lahat ng nabanggit ay tama.
Bilang bata at mag-aaral ay kailangan mong makipagtulungan sa mga programa at proyekto ng pamahalaan upang makamit ang pag-unlad nito. Magagawa natin ito sa pamamagitan ng pakikilahok sa iba’t ibang proyekto ng pamahalaan gaya ng pangangalaga sa mga likas na yaman, kampanya laban sa ipinagbabawal na gamot, at iba pa. Anong tungkulin ang ipinahihiwatig ng pahayag na ito? Paggalang sa watawat Pagtatanggol sa bansa Paggalang sa karapatan ng iba Pagsunod sa batas at paggalang sa maykapangyarihan.
Si Ramon ay may karapatang bomoto dahil siya ay nasa tamang edad na. Ano ang nararapat niyang gawin bilang isang mabuting botante? Iboto lang ang namimigay ng pera. Iboto ang taong karapat-dapat sa tungkulin. Iboto ang kanyang pinsan kahit na may masamang rekord sa barangay Iboto ang kanyang ninong sa kasal kahit alam niyang wala itong sapat na kakayahan sa tinatakbuhang katungkulan.
Napag-aralan mo sa iyong Araling Panlipunan na asignatura na ang lahat ay may karapatang magsalita at magpahayag ng saloobin. Ang mga mamamayang Pilipino ay may karapatang magpahayag ng kanilang mga saloobin ayon sa batas. Ano ang iyong tungkulin kaugnay ng nasabing karapatan? I. Magsasabi ako ng katotohanan. II. Sasagot-sagotin ko ang aking mga magulang kapag ako ay pinagagalitan. III. Pagsasabihan ko ng hindi maganda ang mga kaibigan sa tuwing ako ay natatalo sa laro. IV. Magsasalita ako nang hindi nakasasakit at nakasisira sa pagkatao ng aking kapuwa. I at II III at IV I at III I at IV.
Kilala si Boyet sa kanilang barangay na isang batang palaaway. Nawalan siya ng mga magulang dahil sa bagyong Ondoy. Sa kabila ng kaniyang pagiging matigas ang ulo, inampon pa rin siya ng kaniyang kapitbahay. Ano ang dapat niyang gawin? Magpakabait at sumunod sa mga tagubilin ng nag-ampon sa kaniya Magpakita ng kabaitan sa nag-ampon sa kaniya ngunit hindi sa ibang tao. Maglayas sa bahay ng nag-ampon dahil hindi niya magawa ang nais niyang gawin. Ipagpatuloy ang pagiging pala-away dahil kailangan nilang tanggapin kung sino siya.
Si Mang Poleng ay naakusahan sa korte sa salang pamamaslang. Wala siyang pambayad sa abogado kaya binigyan siya ng abogadong magtatanggol sa kaniya. Ano ang dapat niyang gawin? Magpahanap ng isang sikat na abogado. Sabihin sa abogado ang totoong nangyari. Gumawa ng ibang kuwento ukol sa pangyayari. Tanggihan ang abogado dahil kaya niya namang ipagtanggol ang sarili.
Ang pamilya ni Allan ay kilala at iginagalang sa kanilang lugar dahil ang kaniyang mga magulang ay nagtayo ng isang samahan na tumutulong sa mahihirap. Ano ang dapat niyang gawin? I. Tumulong sa samahan na itinayo ng kaniyang mga magulang. II. Ingatan ang kanilang pangalan sa pamamagitan ng pagiging mabuting tao. III. Gawin ang mga naisin kahit makasira ito sa pangalan ng kaniyang pamilya. IV. Pumunta sa ibang bansa upang hindi madungisan ang pangalan ng kaniyang pamilya. I at II II at III I at IV III at IV.
Ang bawat karapatan na tinatamasa ng bawat mamamayan ay may kaugnay na __________ na dapat gampanan. .
Ang bawat mamamayan ay may __________ na pinangangalagaan ng ating mga batas.
Pakikilahok sa Clean and Green Program ng pamahalaan Tungkulin sa pamahalaan Tungkulin sa iba/kapwa Tungkulin sa Sarili Tungkulin sa Diyos.
Pakikipaglaban para sa Kalayaan Tungkulin sa pamahalaan Tungkulin sa iba/kapwa Tungkulin sa bayan/bansa Tungkulin sa Diyos.
Pagpapakita ng paggalang sa iba gaya ng pagpila sa pagbili sa botika Tungkulin sa Sarili Tungkulin sa iba/kapwa Tungkulin sa bayan/bansa Tungkulin sa Diyos.
Pagpapakita ng pananampalataya Sa Diyos Tungkulin sa Sarili Tungkulin sa iba/kapwa Tungkulin sa bayan/bansa Tungkulin sa Diyos.
Pagpapaunlad ng sarili Tungkulin sa Sarili Tungkulin sa iba/kapwa Tungkulin sa bayan/bansa Tungkulin sa Diyos.
Sa bawat karapatan na ating tinatamasa ay may pananagutan tayong dapat gampanan. Pagtugmain ang mga Karapatan at kaugnay na Tungkulin. Mabuhay at maging malaya Bumoto sa tamang gulang Mamili at umanib sa anomang relihiyon Magkaroon ng mga ari-arian Magsalita at magpahayag ng saloobin Bumuo o sumapi sa isang samahan Pumili ng propesyon o hanapbuhay.
Piliin ang angkop na tungkulin ng mamamayan na inilalarawan sa bawat sitwasyon. Masayang nakikilahok si Marie sa programang “Tapat Ko, Linis Ko” ng kanilang barangay. Pagmamahal sa bayan Pagsunod sa batas Pagtatanggol sa bansa Paggalang sa karapatan ng iba Paggalang sa watawat Pakikipagtulungan sa pamahalaan.
Piliin ang angkop na tungkulin ng mamamayan na inilalarawan sa bawat sitwasyon. Hindi pumayag si Jojo sa udyok ng kaniyang mga kaibigan na mangupit sa tindahan ng kaniyang tito. Pagmamahal sa bayan Pagsunod sa batas Pagtatanggol sa bansa Paggalang sa karapatan ng iba Paggalang sa watawat Pakikipagtulungan sa pamahalaan.
Piliin ang angkop na tungkulin ng mamamayan na inilalarawan sa bawat sitwasyon. Buong galang at pagmamalaking inaawit ni Rosa ang pambansang awit sa tuwing ito ay kanyang naririnig. Pagmamahal sa bayan Pagsunod sa batas Pagtatanggol sa bansa Paggalang sa karapatan ng iba Paggalang sa watawat Pakikipagtulungan sa pamahalaan.
Piliin ang angkop na tungkulin ng mamamayan na inilalarawan sa bawat sitwasyon. Sa tuwing bumibili ng sapatos si Luna ay palagi niyang pinipili ang mga yari sa Marikina dahil bukod sa magaganda na ay matitibay pa ang mga ito. Pagmamahal sa bayan Pagsunod sa batas Pagtatanggol sa bansa Paggalang sa karapatan ng iba Paggalang sa watawat Pakikipagtulungan sa pamahalaan.
Piliin ang angkop na tungkulin ng mamamayan na inilalarawan sa bawat sitwasyon. Si Henry ay sumali sa isang samahan na nagtataguyod ng turismong Pilipino upang makapaghikayat ng dayuhang turista sa bansa. Pagmamahal sa bayan Pagsunod sa batas Pagtatanggol sa bansa Paggalang sa karapatan ng iba Paggalang sa watawat Pakikipagtulungan sa pamahalaan.
Nakita mong may kodigo ang iyong kaklase habang kayo ay may pagsusulit. Ano ang dapat mong gawin? Magsasawalang-kibo na lang ako sa ginawa ng aking kaklase. Makikikopya ako upang mataas ang makuha kong marka. Sasabihan ko siya na hindi tama ang kanyang ginagawa. Isusumbong ko siya sa aming guro kung hindi niya ako pakokopyahin. .
Nagdudulot ng mabahong amoy at usok ang pagawaan ng plastik sa isang barangay. Kung isa ka sa mga opisyal ng nasabing barangay, ano ang dapat mong gawin? Pagalitan ang may-ari ng pagawaan. Ipaalam ito sa tanggapan ng punong lungsod o munisipyo. Pulungin ang mga kabarangay at magrali sa tapat ng pagawaan. Huwag na lang pansinin dahil hindi naman umaabotang amoy sa bahay ninyo.
Si Juan ay dating pulis ngunit siya ay nagretiro na. Isang araw, nagkaroon ng kaguluhan sa kanilang barangay. Ano ang dapat gawin ni Juan? Pagpapaluin ang mga nanggugulo. Habulin ang lahat ng mga nanggulo sa lugar. Huwag na itong pakialaman dahil hindi na siya pulis. Awatin ang mga nanggugulo at tumawag ng ibang pulis.
May proyekto sa inyong barangay ukol sa pagre-recycle ng mga basura. Marami kayong iba’t ibang basura sa inyong bahay. Ano ang iyong gagawin? Hahayaan ko ang mga basura sa bahay. Dadalhin ko ang mga basura sa barangay upang i-recycle Ipagbibili ko ang mga basura sa junk shop para kumita ng pera. Hihintayin ko ang trak ng basura para kunin ang mga basura.
Nagmamadali ka patungong paaralan dahil mahuhuli ka na. Para makatawid sa kalsada, kailangan mo munang maghintay sa hudyat na maaari na kayong tumawid. Ano ang dapat mong gawin? Sasabayan ko ang ibang taong tumatawid kahit wala pang hudyat sa tamang pagtawid. Tatawid na ako dahil wala namang nakakakitang pulis. Hihintayin ko ang hudyat sa tamang pagtawid. Tatawid na ako kahit wala pang hudyat sa tamang pagtawid dahil mahuhuli na ako.
Piliin ang K kung ang isinasaad sa bilang ay karapatan, T kung tungkulin at KT kung parehong karapatan at tungkulin. Umuuwi si Mila sa kanilang lalawigan upang iboto ang kandidatong karapat-dapat sa posisyon. K T KT.
Piliin ang K kung ang isinasaad sa bilang ay karapatan, T kung tungkulin at KT kung parehong karapatan at tungkulin. Kahit mahirap ang kanilang buhay, pinagsisikapan ni Leonor na tapusin ang kaniyang pag-aaral. K T KT.
Piliin ang K kung ang isinasaad sa bilang ay karapatan, T kung tungkulin at KT kung parehong karapatan at tungkulin. Nagtayo si Myrna ng isang maliit na tindahan sa harap ng kanilang bahay. K T KT.
Piliin ang K kung ang isinasaad sa bilang ay karapatan, T kung tungkulin at KT kung parehong karapatan at tungkulin. Nagdadala si Luna ng mga basura tuwing Martes para sa Eco Savers Program ng kanilang paaralan. K T KT.
Piliin ang K kung ang isinasaad sa bilang ay karapatan, T kung tungkulin at KT kung parehong karapatan at tungkulin. Si Lola Ofelia ay binibigyan ng diskuwento sa biniling gamot sa botika. K T KT.
Punan ng angkop na salita ang mga patlang upang makabuo ng konsepto mula sa iyong mga natutunan tungkol sa paksang aralin. May mga tungkulin ang bawat mamamayan na dapat _____1_____ kaugnay ng mga karapatang tinatamasa bilang mamamayan. gampanin pagsunod pagmamahal pagtatanggol.
Punan ng angkop na salita ang mga patlang upang makabuo ng konsepto mula sa iyong mga natutunan tungkol sa paksang aralin. Kabilang sa mga tungkulin o pananagutan ng mga mamamayan ay ang mga sumusunod: _____2_____ sa bayan, _____3_____ sa kalayaan ng bansa ____4____ sa batas at mga may kapangyarihan, _____5_____ sa pamahalaan at _____6_____ sa mga karapatan ng iba at sa watawat. 2 pagmamahal pagtatanggol paggalang pagsunod.
Punan ng angkop na salita ang mga patlang upang makabuo ng konsepto mula sa iyong mga natutunan tungkol sa paksang aralin. Kabilang sa mga tungkulin o pananagutan ng mga mamamayan ay ang mga sumusunod: _____2_____ sa bayan, _____3_____ sa kalayaan ng bansa, ____4____ sa batas at mga may kapangyarihan, _____5_____ sa pamahalaan at paggalang sa mga karapatan ng iba at sa watawat. 3 pagsunod pagtatanggol pakikipagtulungan pagmamahal.
Punan ng angkop na salita ang mga patlang upang makabuo ng konsepto mula sa iyong mga natutunan tungkol sa paksang aralin. Kabilang sa mga tungkulin o pananagutan ng mga mamamayan ay ang mga sumusunod: _____2_____ sa bayan, _____3_____ sa kalayaan ng bansa ____4____ sa batas at mga may kapangyarihan, _____5_____ sa pamahalaan at paggalang sa mga karapatan ng iba at sa watawat. 4 pagsunod pagtatanggol pakikipagtulungan pagmamahal.
Punan ng angkop na salita ang mga patlang upang makabuo ng konsepto mula sa iyong mga natutunan tungkol sa paksang aralin. Kabilang sa mga tungkulin o pananagutan ng mga mamamayan ay ang mga sumusunod: _____2_____ sa bayan, pagtatanggol sa kalayaan ng bansa ____4____ sa batas at mga may kapangyarihan, _____5_____ sa pamahalaan at _____6_____ sa mga karapatan ng iba at sa watawat. 5 pagsunod pagmamahal paggalang pakikipagtulungan.
Punan ng angkop na salita ang mga patlang upang makabuo ng konsepto mula sa iyong mga natutunan tungkol sa paksang aralin. Kabilang sa mga tungkulin o pananagutan ng mga mamamayan ay ang mga sumusunod: pagmamahal sa bayan, pagtatanggol sa kalayaan ng bansa ____4____ sa batas at mga may kapangyarihan, _____5_____ sa pamahalaan at _____6_____ sa mga karapatan ng iba at sa watawat. 6 pagsunod pagtatanggol paggalang pakikipagtulungan.
Punan ng angkop na salita ang mga patlang upang makabuo ng konsepto mula sa iyong mga natutunan tungkol sa paksang aralin. Ang bawat _____7_____ ay may katumbas na _____8_____ na dapat gampanan para sa _____9_____ ng sarili, upang maging mapayapa ang pamayanan, at upang maging kaagapay ng bansa sa _____10_____. 7 karapatan tungkulin ikabubuti pag-unlad.
Punan ng angkop na salita ang mga patlang upang makabuo ng konsepto mula sa iyong mga natutunan tungkol sa paksang aralin. Ang bawat _____7_____ ay may katumbas na _____8_____ na dapat gampanan para sa _____9_____ ng sarili, upang maging mapayapa ang pamayanan, at upang maging kaagapay ng bansa sa _____10_____. 8 karapatan tungkulin ikabubuti pag-unlad.
Punan ng angkop na salita ang mga patlang upang makabuo ng konsepto mula sa iyong mga natutunan tungkol sa paksang aralin. Ang bawat _____7_____ ay may katumbas na _____8_____ na dapat gampanan para sa _____9_____ ng sarili, upang maging mapayapa ang pamayanan, at upang maging kaagapay ng bansa sa _____10_____. 9 karapatan tungkulin ikabubuti pag-unlad.
Punan ng angkop na salita ang mga patlang upang makabuo ng konsepto mula sa iyong mga natutunan tungkol sa paksang aralin. Ang bawat _____7_____ ay may katumbas na _____8_____ na dapat gampanan para sa _____9_____ ng sarili, upang maging mapayapa ang pamayanan, at upang maging kaagapay ng bansa sa _____10_____. 10 karapatan tungkulin ikabubuti pag-unlad.
Masayang nagkukuwentuhan sina Mercy at Sam. Sa kabilang silid ay natutulog ang may-sakit nilang kapatid. Ano ang pinakamabuti nilang gawin? Itigil na nila ang kanilang kuwentuhan. Ituloy ang kasayahan dahil karapatan nilang maging masaya. Hinaan ang kanilang mga boses upang hindi makaabala sa maysakit. Ituloy ang kuwentuhan dahil karapatan nilang ihayag ang kanilang damdamin.
Madalas na walang pambili ng pagkain si G. Tonyo para sa kaniyang pamilya dahil wala siyang trabaho. Ano ang dapat niyang gawin? Magpalimos sa daan. Magsawalang kibo na lamang Maghintay ng tulong na ibibigay Maghanap ng pagkakakitaan.
Ibinili si Rhoa ng kaniyang tatay ng bagong gadget. Dahil sa kasabikan ay araw-araw niya itong ginagamit sa paglalaro. Tama ba ang ginagawa ni Rhoa? Oo, dahil karapatan niyang maglaro. Hindi, dahil baka masira agad ang laruan. Oo, dahil ngayon lang siya nagkaroon ng gadget. Hindi, dahil kailangan niya ring mag-aral at tumulong sa gawaing bahay.
Dahil hindi kayang pag-aralin ng kaniyang mga magulang si Ludy, sinagot ng kaniyang tita sa Maynila ang kaniyang matrikula. Hindi kasama rito ang iba pang gastusin gaya ng pamasahe at mga gamit sa pag-aaral. Ano kaya ang maaari niyang gawin? Huminto na lang sa pag-aaral. Mag-aral sa umaga at mamalimos sa gabi. Maghanap ng pagkakakitaan upang masuportahan ang pag-aaral Pilitin ang kaniyang tita na bigyan siya ng karagdagang pera.
Binibigyan ng pera si Ana bilang pambaon sa kanyang pag-aaral ng kanyang ina. Lagi siyang pinaaalalahanan na masustansiyang pagkain ang kanyang bilhin sa kantina. Ano ang dapat gawin ni Ana? Ibili ng laruan ang pera dahil kakaunti lamang ang kaniyang mga laruan. Bumili ng sopas at tinapay dahil tungkulin niyangsumunod sa kaniyang mga magulang. Bumili ng junk food dahil masustansiyang pagkain naman ang lagi niyang kinakain sa bahay. Ibayad ang pera sa computer shop dahil hindi siya papayagang maglaro nito pag-uwi ng bahay.
Report abuse